Saturday, 25 August 2012

KUNG MAMILI ANG DALAGA

KUNG MAMILI ANG DALAGA Nang may labinlimang Disyembre pa lamang ang dalagang aking naging kaibiga’y ganito ang laging kanyang bulay-bulay “Pagka’t ang ganda ko’y di pangkaraniwan ay pipili ako ng isang liligaw na bata, makisig, mabait, mayaman.” Nang dumalawampung taon ang dalaga at ang pinipili’y di pa rin makita’y ganito ang kanyang nagunita tila: “Hindi kailangan kundi man pustura o kaya ay hindi sagana sa k’walta kung bata’t mabait ay maaari na.” Nang magdalawampu’t lima at hindi rin yata sumisigid ang isda sa pai’y ganito ang kanyang parating dasalin: “Ang gulang? Hindi ko aalumanahin, may kabaitan lang na maituturing kahit matanda na’y puede na sa akin.” At nang tumatlumpu’t ni sinoman wari’y wala nang mabuyong sa kanya’y gumiri tahas na sinabing wa(ang pagkabali: “Ngayon kahit sino’y walang tangi-tangi huwag lang di mayrong sa aki’y bumati.”

No comments:

Post a Comment