Thursday, 11 April 2013

Ang Babaeng Namumuhay Mag-isa

Ang Babaeng Namumuhay Mag-isa Joi Barrios Babae akong namumuhay ng mag-isa hiwalay sa awasa Matandang Dalaga Kerida Puta. Ang aking pag-iisa'y Batik na ituturing ng aking lipunan Latay na pabaon ng nakaraan, Pilat na taglay hanggang sa kasalukuyan. May pagsusulit na hindi ko nakayanan, May timbangang nagtakda ng aking pagkukulang, May pagsusuring kumilatis Sa pagkatanso ng aking pagkatao. Lagi'y may panghuhusga sa aking pagiisa. Ang di nila nakita'y Akin din naman ang pagpapasya. Isang maliit na kalayaang Hinamak ng iba ko pang Pagkakapiit, pagka-alipin Sa aking lipunan. Ang pag-iisa'y di pag talikod Sa pag-ibig, pagnanasa, o pananagutan Hindi ito pagsuko Sa katuparan ng pangarap. Hindi ito pagtanaw sa buhay ng hubad sa pag-asa. Paghangad lamang Na kamay ko ang magpatakbo sa aking orasan Puso ko at isipan ang sumulat ng aking kasaysayan, Sarili ko ang humubog sa aking kabuuan. Hayaan akong mamuhay nang payapa, Nang hindi ikinakabit sa aking pangalan Ang mga tawag ng pagkutya: Puta, Kerida, Matandang Dalaga, Hiwalay sa asawa, Babae man akong namumuhaynang mag-isa.

No comments:

Post a Comment